Feeds:
Posts
Comments

PLOP! CLICK!

PLOP! CLICK!
(Dobu Kachiri)
(Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso Alburo sa Pagsusuring Pampanitikan)

Mga tauhan: Koto, Kikuichi at isang nagdaraan

Koto: Isa akong koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si kukuichi para kunsultahin siya. Nariyan ba si kukuichi?

Kikuichi: Nariyan na!

Koto: Nasaan ka?

Kikuichi: Heto na ako.

Koto: May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakakalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?

Kikuichi: Sa totoo lang, iminumungkahi ko nga sana sa iyo, ekselenteng ideya.

Koto: Ano pang hinihintay natin kung ganun. Maghanda ka ng sake.

Kikuichi: nakahanda na ako.

Koto: Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.

Kikuichi: Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag naramdaman mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, amo.

Koto: Nasa labas na tayo ngayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.

Kikuichi: Nasa gitna nga tayo ng bukirin.

Koto: kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko.

Kikuichi: Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.

Koto: Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kwento. Bakit di mo ensayuhin ang LABANAN SA HEIKE, ang pamosong epiko?

Kikuichi: Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol dyan. Masuerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin iyan, tatanawin kong utang na loob.
Kooto: Ituturo ko kung ganun. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso.

Kikuichi: Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.

Koto: “Umabot sa krisis ang lambanan sa Ichi no TAni, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Heike, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunos-lunos na pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba nama’y pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba, ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!. . . .

Kikuichi: Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig.

Koto: Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo. Sumunod ka sa akin.

Kikuichi: Sige lang, susunod ako.

Koto: Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.

Kikuichi: Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.

Koto: Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo”, gagawin kitang isang “koto”.

Kikuichi: Napakabuti mo ngang talaga.

Koto: Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat.

Kikuichi: oo nga, pakiramdam ko’y dagat nga iyon.

Koto: Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?

Kikuichi: Ano nga bang dapat nating gawin?

Nagdaraan: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabilang bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa iyon? Titigil muna ako rito at panoorin sila pansumandali.

Koto: Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.

Kikuichi: Sige, ayan, naghagis na ako. PLOP!

Koto: Malalim doon.

Kikuichi: Malalim na malalim doon.

Koto: Subukan mo sa ibang direksyon.

Kikuichi: Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!

Koto: Mababaw doon.

Kikuichi: Mukha ngang mababaw doon.

Koto: Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!

Kikuichi: Pero amo, teka muna sandali.

Koto: bakit?

Kikuichi: Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.

Koto: Naku! Hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.

Kikuichi: Pero kaua nga ako narito para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.

Koto: Hindi, huwag na, dahil hindi ka rin nakakakita baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad ng painut-inot.

Kikuichi: Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran.

Koto: O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.

Kikuichi: Salamat, nakahanda na ako.

Nagdaraan: Mautak ang mga bulag na iyon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni Kikuichi).

Kikuichi: Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan, nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko na ito nang walang kahirap-hirao, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya.

Nagdaraan: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang swerteng ito. Tuwang tuwa ako.

Koto: Ano kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki-kui-chi! Na-sa-an ka!!!!?

Kikuichi: Na-ri-to a-ko!!!!

Koto: Bakit di mo pa ako buhatin patawid?

Kikuichi: Pero kabubuhat ko lang sa inyo!!!!

Koto: kabubuhat mo lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid.

Kikuichi: (Magmamadaling tumawid sa pinanggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito amo?

Koto: Kailan? Aba’t walang-hiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t buhatin mo na ako agad.

Kikuichi: Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang ako uli. Kumapit na kayo sa likod ko.

Koto: Huwag kang magalaw.

Kikuichi: Lalakad na ako nang painot-inot. Mukhang napakalalim dito.

Koto: Basta mag-ingat ka at huwag kang masyadong magalaw.

Kikuichi: Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku! Tulungan ninyo ako saklolo!!

Nagdaraan: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!

Koto: Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na akong pabuhat sa’yo noong una pa.

Kikuichi: Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyuin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako.

Koto: Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa sake?

Kikuichi: Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng Sake. Heto, hindi nadisgrasya.

Koto: giniginawa na ako. Tagayan mo ako.

Kikuichi: Sige po.

Nagdaraan: Aba’y may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.

Kikuichi: Nagtatagay na po ako. Glug, glug.

Koto: Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pagnainom ko na ito.

Kikuichi: Sigurado, amo.

Nagdaraan: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!

Koto: Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
Kikuichi: Pero katatagay ko lang po’t ibinigay ko sa inyo.

Koto: iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.

Kikuichi: Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako heto, pupunuin ko na ang baso.

Koto: sige bilisan mo.

Kikuichi: Eto na, glug, glug.

Nagdaraan: (sa mga manonood). Aba’y may kasunod pa! walang kasing sarap ang sakeng ito!

Koto: Tama ‘yan, uminom ka rin ng kaunti.

Kikuichi: Pwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake di po ba?

Koto: o, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?

Kikuichi: Pero katatagay ko lang po ng isang punong baso para sa inyo.

Koto: Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.

Kikuichi: Naku! Hindi ganyan magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay.

Koto: Aba’t talga bang ginagalit mo ako? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ako at pinalalabas na iniinom ko ang tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.

Kikuichi: Gusto ko pa sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.

Koto: Ano? Ni isang patak wala nang natira?

Nagdaraan: (sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bang!

Koto: Aray! Aray ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman ay may gana ka pang bugbugin ako.

Kikuichi: Anong sinabi ninyo? Bugbugin?

Koto: Sinaktan mo na ako, ulol!

Kikuichi: Itinabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksyon ninyo ang kamay ko.

Koto: A, hindi pala? At sino ang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?

Kikuichi: Aray, aray ko po! Inaakusahan n’yo na nga po ako ng kung anu-anong hindi ko naman ginawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko?

Koto: Aba’t hindi nga nakatutok sa iyo ang kamay k o.

Kikuichi: Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magasalita kayo, sino pa?

Koto: Aray! Aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?

Kikuichi: Nasa binti ko ang mga kamay ko.

Koto: nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?

Kikuichi: Aray! Tama na! huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko, amo.

Koto: Anong abusuhin?

Kikuichi: Ano pa nga bang ginagawa ninyo?

Koto: Ni hindi nga dumadapo ang kamay ko sa iyo.

Kikuichi: Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanuntok sa akin?

Koto: Aray! Ano ka ba?

Kikuichi: Aray ko po, tama na!

Nagdaraan: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero teka, Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan. Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako rito habang may araw pa.

Koto: Nauubos ng pasensya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!

Kikuichi: Bakit ako sinasaktan?

Silang Dalawa: Araaaayyyyy. . .. .!!!!

Kikuichi: Ikinahihiya ko kayo amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait. Santo-santito!

Koto: Huwag! Sandali lang! matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin ninyo siya. Hulihin ninyo! Huwag n’yo siyang patatakasin!

AANHIN NINO ‘YAN?

AANHIN NINO ‘YAN?
Vilas Manwat
Salin ni Luwalhati Bautista
(Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso C. Alburo sa Pagsusuring Pampanitikan)

Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paa’y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!”
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at doon n’yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa.
Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.”
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.”
Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, “Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.”
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda ang mga pangyayari.
“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa iba’t ibang dako araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.”
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; “Ibibigay ko sa’yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa’yo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay dito’y buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguro’y may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.”
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon.
“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!—at itabi mo ang iyong baril—giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.”
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad.
“Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki.
“Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata. “Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.”
Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking ina’y inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-iinom.”
“Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamali’t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan.
“Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ngkabataang lalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasama—dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.”
“Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?”
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. “Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na ako’y ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.”
Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y ganon ang pakiramdam kung minsan.”
“Kaya mo ba akong paniwalaan?”. “Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pa—hindi ako nagtatagal kahit saan.”
“Nagbabasa ka ba ng libro?”
“Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya.”
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. “Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.”
Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
“Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nila’y maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang tao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.”
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: “Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. ‘Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.”
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.

SI KESA AT MORITO

SI KESA AT MORITO
Salin ni Luwalhati Bautista
Mula sa “Rashomon” at iba pang kwento ni Ryunosuke Akutagawa
(Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso C. Alburo mula sa LP ng DepEd)

UNANG BAHAGI: MOOLOGO NI MORITO

Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na dahon sa labs ng bakod ng kanyang bahay.
Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero, ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumisindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak ng aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipn na lang na kapag ang mga kamay na ito ay namula ng dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso ko’y di nabagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman.
Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lamang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru Saemonno-jo, mula’t sapul pa’y kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali din akong nag-apoy sa paninibugho. Pero, ngayon ang panibugho ko’y napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong mungkahi o masamang hangarin. Manapa mabuti ang hangarin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nadama ko ang simpatya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti na gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pang-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdulot sa akin ng kasiyahan.
Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramhan ko ng mga hangaring makalaman kahit noong mga panahong ako’y wala pang bahid-dungis. Kung mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanya’y hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong nagtutulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay matupad. Bagamat nananatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakag masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala nang lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumigimbal sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayo’y itinatanong kog muli sa aking sarili, “Mahal ko ba siya talaga?”
Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng pagkakayari ng tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huli’y nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kund inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay hindi ang tanging nangibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay hindi siya ang inaasahan kong maging siya. Nang nakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraaang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos ay pinaglahuan na ng maaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niya’y nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malinaw, bilog, maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko mapigilang iiwas ang aking mga mata.
Kung gayo’y paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis ko? Una’y itinulak ako ng kakatuwang kagustuhan na mapangingibabawan ang dating hangarin ng puso ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan nya ako ng isang eksaheradong kwento ng kanyang pag-ibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na na alingawngaw sa aking tainga. “Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa”, naisip ko. May hinala rin ako na maaaring ito’y tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang nagtutulak sa akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko maitatatwa ang inyong bintag. Ano’t anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon ay kasinungalingan.
Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa aking nang mga sandaling iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito, pinangingibabawan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na kalibugan mismo na hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon.
Ano’t anuman, batay sa ganyang iba’t ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O, manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbabalik sa unang tanong na binitawan ko, hindi ko kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitan kong ibangon siya sa aking mga bisig—ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At nagmukha siyang walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyang nakasabog na buhok at nagpapawis na katawan, ang lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang araw na iyon, sa puso ko’y nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabi’y papatayin ko ang isang lalaking hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng hindi ko iniibig.
“Patayin natin si Wataru,” bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob ko na inihinga ko sa tainga niya ang nakaraang hangarin ko na hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Ano’t anuman, “Patayn natin si Wataru,” bulong ko, at tiyak na tiyak bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang nag-uudyok sa akin para gawin ang padalos-dalos na bagaya na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang paliwanag dito ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad ng isang lalaking binabangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto. Kung iyan ay hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmungkahing patayin si Wataru, wala ng paliwanag na dapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyag sa mga mortal (marahil ay demonyo o diablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan. Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoo’t ganoon ding bagay sa tainga niya.
Sa huli’y nag-angat siya ng mukha at sinabi, oo, dapat mo ngang patayin si Wataru. Hindi lamang ako nasorpresa sa biglaang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae!—iyon ang naging tingin ko sa kanya. Gumuhit na nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at panghihilakbot—at oo, pagkasuklam. Kung maaari lang ay babawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayo’y mapangangalanan ko siyang mang-aapid, at ang aking konsensya’y makapagkanlong sa makatuwirang pagngingitngit. Pero hindi ko nagawa. Inaamin ko agad kong nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago ang kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na kalagayang pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi sa usapan. Ngayon ang takot na ito ay mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng isang hindi nakaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. Kapag hindi ko pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang kanyang asawa at kung hindi ay papatayin niya ako, desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitawan ang aking pangako, hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na gumuhit sa kanyang maputlang pisngi? Ay, dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitim na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking pangako. Lagpas dito ang kayang batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoong-totoo ito. Pero may ibang nag-uudyok sa akin para gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na ako, para patayin ang isang inosenteng lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng hind, hindi maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero ganunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya.
Si Morito, na patuloy sa paglalakad ay hindi na nagsalita pa. ang pag-awit ng isang balada ay pumailanlang sa gabi.
Ang isipan ng tao ay nasa dilim, walang ilaw na makapagbibigay-liwanag. Nagsisindi ito ng apoy ng makamundong paghahangad, upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.

IKALAWANG BAHAGI: MONOLOGO NI KESA

Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang malalim at kagat-kagat ang manggas ng kanyang kimono.

Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating. . .Araw-araw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan? Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunma’y kailangan kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon na ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang ang ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya. Pero umaasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamakasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinupukaw ng pagkamakasarili sa kanya.
Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang! Hanggang noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa aking sarili, at higit sa lahat sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating, “Hanggang noong araw na iyon” kaysa “noong tatlong taong nakararaan”. Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitn na nasasalamin sa kanyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala ko’y walang problema. Pero paano pa maaaliw angpuso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. ‘Di hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mga bisig ng aking taga-pag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Nangatal sa kalungkutan, sa hukli ay isinuko ko ang aking katawan, na para na ring patay, sa mga bisig ng lalaking hindi ko iniibig—sa mga bisig ng isang makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang mailibing ang lahat sa hibang ng mga sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gaya rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng kahihiyan! Kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa kanyang mga bisig, hiyang-hiya ako.
Ang pagkainis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa kabila ng pagsisiklap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan ako’t nagdurusa dahil ako’y pinandidirihang tulad sa isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang ako’y ang pinakamalabong alaala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong, “Patayin natin si Wataru,” at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang ako ay humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla ako’t lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit hind, hindi ba ako inaliw ng mga salitang iyon? Ay, hindi ba ako—hindi ba ang isang babae’y isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niya ang sarili niyang asawa?
Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may lungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa sinag ng buwan. Kailan ako nangakong makikipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa?
Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing “noon lang”. Hanggang sa mga oras na iyon, ang isip ko’y buong-buong nakatuon sa aking sarili at sa aking kahihiyan. Pagkaraa’y nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay desidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para matagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama ko’y naglahong lahat ang aking kaligayahan. Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama ng aking taga-pag-alaga. Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na magpapakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagmungkahi sa akin ng aking kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at nagpapalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, hindi para asa aking asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa pananakit niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay, hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay.
Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan kaysa mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang mangyayari kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ang kanyang malamig na liwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siya’y. . . hindi, hindi ko siya inisip. Mahal ako ng aking asawa. Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaking iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang ito’y napakaliwanag para sa akin, ako’y pinahihirapan ng aking mangingibig.

Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang kandado, at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan.

KAY STELLA ZEEHANDELAR

KAY STELLA ZEEHANDELAR
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa mga Liham ng isang Prinsesang Javanese
(Akdang Tinakalay ni Mr. Galcoso C. Alburo)

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno”, iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob!. Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinakakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong silang na Europa ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pag-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan—isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ibang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran ArioTjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat—ang sibilisasyong kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso at tatlong nakatatanda kong kapatid na lalaki ay tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya ng magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban na lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay—kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito—ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas—ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglalabing anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”, naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-aasawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin—mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hind magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?

PERSONALISTIK: Ang Pagkukubli at Pagbubunyag sa dahon ng literatura at panaginip

(Reaksyong papel sa “Psychoanalytic Literary Criticism” ni Maud Ellmann)

 ni: Galcoso C. Alburo

 

            Sa anumang bagay na personal ay naipakikita ang kapangyarihan ng isang individwal kung ito’y gugustuhin niya, aayawan, itatago o ibubunyag depende sa ideolohiyang nakadikit sa kanyang pagkatao.  Madalas, hindi basta-basta ibinubunyag ang mga bagay sa buhay ng tao lalo na kapag personal at taliwas sa inaasahan ng lipunan na may mga itinakda at idinidiktang norms na tiyak huhusgahan ka kapag hindi mo nasunod.  Alam ito ng maraming intelektwal at propesyunal dahil kahit sila ay napipilitang magkubli ng kanilang mga bagay na personal na kadiri sa paningin ng lipunan.  Mahirap itago ang anumang bagay na gumugulo sa isip at kalooban ng tao kaya umusbong ang mga pagbubunyag ng mga nasabing saloobin sa pamamagitan ng mga obra sa larangan ng literatura kung kaya sumulpot din ang mga akdang may temang Saykoanalitiko.

 Ang pananaw Saykoanalitiko ay nakabase sa paniniwala ni Sigmund Freud (1865-1939) na tinawag niyang “psychoanalytic theory” bilang bahagi ng kanyang pag-aaral tungkol sa personalidad ng tao.  Ayon sa kanya, sa saykoanalitiko ay nakaugat o likas sa tao ang pagharian ng kanyang sexual urges at pagiging agresibo ng tao sa mga gawaing sexual o sa madaling sabi ay umiikot ang halos lahat ng bagay sa usaping sekswal, pero dahil sa hindi ito tinatanggap ng lipunan, napipilitan ang tao na ito’y pigilin at alisin sa kanilang isipan pero patuloy itong lumulukob o naghahari sa ating mga personalidad (na hindi na pinag-uusapan) at pag-uugali na resulta naman ng pagbabanggaan ng ating mga motibo, nais, at pag-iingat sa sarili (Soliven et al. 1995).  Ayon kay freud, ang pagpigil sa bayolohikal na nararamdaman ng tao (sex) ay madalas na nauuwi sa tunggaliang emosyunal (ang resulta nito ay tinatawag ko na emotionally disturb) na kung saan parang may kulang sa nararamdaman mo.  May hinahanap ka na di mo makita.  Para bang tinimbang ka pero kulang.  Sa madaling salita ipinakikita ng  saykoanalisis na ang mga tao ay mga nilalang na di mapalagay sa sarili.

Ibinigay ni Freud ang kanyang istruktural na modelo ng personalidad sa ilalim pa rin ng saykoanalitikal na teorya.  Ang modelong ito ay binubuo ng 3 sangkap na di pisikal na tungkulin ng personalidad.  Ang unang sangkap ay ID na pinakaimbaaakan ng mga instinc na pakiramdam na ukol sa sekswal na pangangailangan at kagustuhan o ng tinatawag ni Freud na “libidinal theory” na kailangang matugunan.  Ang EGO naman ay nagkokontrol ng mga ekspresyon ng pakiramdam kaugnay sa libido base sa kung ano ang gusto at itinakda ng lipunang ginagalawan at ang SUPER EGO naman ay nagsasabi kung alin ang tama at mali sa kanyang gagawin at desisyon.  Ito ang itinuturing na konsensya.  Nagkakaroon ng banggan ang ID at SUPER EGO at ang EGO ang nagsisilbing tagatimbang kung ano ang desisyong gagawin sa pagitan ng banggaan ng dalawa (Gaerlan et al., 1994).

Lumalabas sa mga eksplenasyon ni Freud na umiikot lamang ito sa uaping sekswal.  Sa tingin ko isa itong kakitiran dahil hindi naman nabubuhay ang tao dahil lang sa seks.  Hindi natin maiaalis na bahagi ito ng buhay pero may mas mahigit pa rito.  Ayon kay Soliven (1995) ang ID ay hindi lang nakatuon sa pangangailangang sekswal kundi sa kabuuan ng pangangailangan ng tao tulad sa pagkurap sa harap ng maliwanag na sikat ng araw na dulot ng tension ng ID sa pamamagitan ng kilos reflex na nagaganap nang mabilisan.  Samantalang sa isang sanggol na nagugutom ay hindi pwedeng matugunan ng kilos reflex kung kaya ditto papasok ang isang pang tungkulin ng ID, ang bumuo ng larawang-isip para matugunan ng pansamantala ang kanyang pangangailangan tulad ng gatas sa sanggol pero pansamantala lamang ito kaya kailangan niyang sumuso.  Gayundin ang taong nawalay sa kanyang mahal sa buhay, hindi siya masisiyahan sa mga ala-ala lamang kaya kailangang matugunan ang kanyang pangangailangan.

Sa punto naman ng debelopment ng personalidad ng tao, may sinasabi si Freud na iba’t ibang stages.  Una ang oral stage na kung saan ang satisfaksyon ng isang bata ay nakasentro sa aktibidad na kaugnay sa kanyang bibig tulad ng pagsuso at iba pa.  Ikalawa ang anal stage na nakasentro ang gawain sa bagay na kaugnay sa anal o pwet tulad ng opagkokontrol ng pagtae o maging pag-ihi man.  Ang ikatlo ay ang phallic-oedipal stage na kung saan lumalabas ang mga senyales na may kinalaman sa sekswalidad at ang pagkakaroon ng matinding atraksyon ng anak na lalaki sa kanyang ina (Oedipus Complex base sa Oedipus Rex na dula ni Sophocles) at ang matinding atraksyon ng anak na babae sa kanyang ama (Electra Complex na hango sa isang akda na pinatay ang kanyang ina at kalaguyo para iganti ang ama). Ang totoo, ang Oedipus complex ay hindi lamang sa pagitan ng anak na lalaki at kanyang ina kundi maging pagkagalit ng anak sa ama na inaakalang karibal niya sa ina.  Ang sumunod ay ang Latency stage na nangyayari sa panahon na nagsisimula nang mag-aral ang bata at pakikilaban nito sa kanyang mga kapwa bata at ang panghuli ay ang Genital stage na nagsisimula ito sa pagbibinata at pagdadalaga hanggang sa pagiging ganap na pagkaadult ng kanyang sekswalidad.

Ang Saykoanalisis ni Freud ay nakatuon lamang sa Phallic-Oedipal stage na nakatuon sa mga usaping may kinalaman sa usaping sekswal at hindi basta seks kundi kakaiba at medyo mahirap na tanggapin ng lipunan dahil taboo ang pagkakagusto at pakikipagseks sa magulang kaya sa puntong ito ay kakabit ng saykoanalisis ang mga usaping parricide, incest at iba pang kaugnay nito. Aang phallic stage ay pagtuklas sa mga gawaing sekswal, pakikilaban, inggitan at paghahanap sa sariling identidad.  Sa una ang pangangailangang sekswal ay natutugunan pa ng pagsasalsal at katagalan ay naibabaling niya ito sa kanyang ina kung lalaki ang bata at sa ama kung babae ang bata (paano kung bakla? Wala kasing sinasabi sa mga readings, siguro kapag bakla naibabaling niya sa ama ang kanyang naramdaman tungkol da seks).  Nakikipaglaban din ang anak na lalaki sa kanyang ama sa pagsususpetsang karibal niya ito sa kanyang ina.  Nawawala ang pakiramdam na ito kapag pumapasok na ang latency stage pero pwede rin itong manatili kung ang anak ay hindi na nag-asawa at nag-aalaga na lamang ng kanyang ina o ang anak na babae ay hindi na nag-asawa at inalagaan na lamang ang ama. 

Ang mga ganitong usapin kung ilalantad ay napakahirap gawin kaya inilalabas na lamang ito ng ilan sa literatura.  Literaturang magkaminsan ay nagiging kasangkapan para gamutin niya at unawain ang sariling pagkatao sa paraang pagkukubli at paghahayag sa dahon ng literatura at mga panaginip.  Sa paghahayag nito ay hindi maiiwasang gumamit ng mga kumplikadong salita kagaya ng mga sinulat ni Derrida na hitik sa jargon, figuratibong pananalita, mga simbulo, fiction at iba pa para mailabas niya ang saloobin at maitago ang kahihiyan sa publiko.  Ayaw man itong tanggapin ng publiko, nagtatangka pa rin ang ilan na ito ay maisulong.  Sabi nga ni Gertrude Stein, “Once complained that a work of art could be acknowledge as a master piece only when it ceased to irritate the public.”  Hanggat hindi naiinis ang publiko at napag-uusapa ang akda ay hindi ito magiging tanyag at tatanggapin.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paliwanag ni Freud tungkol sa kanyang teoryang saykoanalisis.  “The goal of psychoanalysis is to acknowledge the fiasco of the humanist tradition based on Socratre Dictum-“know thy self””, kaya bahagi ang bagay na ito para kilalanin nang husto ang sarili ng isang individwal.  Sinabi rin ni freud na “He regarded all criticism of his theories as a symptom of resistance to unwelcome truths”.

Binanggit naman ni Ellmann na “In literary studies, psychoanalytic criticism often disregarded the textuality of texts, their verbal surface, in favour of the Freudian motifs supposedly encrypted on their depths. Typically the work of art is treated as a window to the artist’s sex-tormented soul”. At para naman kay Freud, “Psychoanalysis can only speculate about the authors raw material—the psychic upheavals of early childhood and has no explanation for the alchemy that turns those tribulations into ART.”

Dahil nga sa hindi naman sapat ang paghahayag sa mga akdang sinulat at hindi naman lahat ay may talento sa pagsusulat, may isa pang nagsisilbing outlet ng mga bagay na ito sa kaisipan ng tao at ito ay walang iba kundi ang kanyang panaginip.  Ang panaginip ay nagsisilbing tanghalan upang maisakatuparan ang kanyang mga ninanais o pinapangarap ayon pa rin kay Freud.  At dahil wala namang nagkakalakas ng loob para ihayag ang kanyang mga panaginip at dahil na rin sa iyon ay ekstensyon ng kanyang personal kaya hindi niya maipahayag kaya patuloy niya itong iniingatan hanggang sa kamatayan.

            Samantala ayon kay Curl Jung, sinasabi niyang ang saykoaanalisis ay isang paghahanap ng kahulugan ng mga behavior, sintomas at mga pangyayari.  Ang pagsusuri sa mga panaginip ang pinakamadalas at ang iba pa ay paghahayag ng nararamdaman sa isang work of art, tula at iba pang pwedeng gamiting paraan ng malikhaing expressions. 

Ayon naman sa mga analyst ni jung, ang unconscious mind ng tao ay maaaring magpakita ng mga bagay na may kinalaman sa sexual drives at gayun din ng mga pangarap, takot at iba pa.  Ang imperikal na imbestigasyon sa mundo ng mga panaginip, mito, at kaluluwa ay isang pinakamagandang daan sa mas malalim na pag-unawa  ng unconciousmind.  Nararanasan ng mga tao ang unconscious mind sa pamamagitan ng mga simbulo na may kaugnayan sa mga naranasan sa buhay, sa mga panaginip, sa work of art, relihiyon at mga simbulikong drama na ating ginaganapan sa bawat relasyong kinabibilangan sa ating buhay.  Ang lenguahe sa unconscious mind ay masasabing symbolic language.  Ang mga panaginip ay nagpapakita ng mga ideya, paniniwala at damdamin na hindi pa ganap na nauunawaan ng isang individwal na kailangan niyang maunawaan at ang mga bagay na ito ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga personal na okabularyo na mga visual metaphors.  Ayon pa nga kay jung, “these are things “known but unknown” are encountered in the unconscious and dreams are one of the main vehicles for the unconscious to express them.

Ayon kay jung, “the certain symbolic themes exist across all cultures, all epochs and in every individual”.  The encounter between conscious and the symbols arising from the unconscious enriches life and promotes psychological development.  Jung considered this process of psychological growth and maturation na tinatawag niyang process of individuation. 

Samantala may ilang makabagong Freudian na hindi nila binigyang focus ang tungkol sa usaping sekswal kundi ang ibang aspeto ng saykoanalitik na teorya  sa puntong cultural, pangkapaligiran at sosyal na interaksyon na aspeto ng tao tulad ni Karney Hornney na binigyang importansya ang pagmamahalan sa loob ng pamilya para maiwasan ang anxiety sa mga bata.  Si Erich Fromm naman ay kinilala ang limang pangunahing pangangailangang na matutugunan lamang ng social environment, at ang pangangailangang relatedness, rootedness, identity, transcendance and frame of orientation.  At si Alfred Adler naman ay binigyang tuon ang tungkol sa “superiority at inferiority comlex at si Erick Erikson ay tungkol sa walong psychological stages na kailangang maresolba para sa normal na pag-unlad ng personalidad ng isang tao (Gaerlan 1994).

Ako man ay sumasang-ayon sa mga Neo-Freudian na ito na talakayin ang ibang aspeto na may kinalaman sa saykoanalisis at hindi lamang nakafokus sa seks hanggat hindi nababago ang takbo at kultura ng pagiging makitid sa usaping sekswal ng alinmang lipunan upang kung dumating man ang oras na yun ay maging lantad na ang mga panulat kung ano talaga ang gusto nilang sabihin at wag na silang maguluhan pa sa gitna ng kanilang mga panaginip o mas maiging sabihin na maalis na ito sa kanilang mga panaginip.

Isang kabaliwan sa marami ang mga nakaraang obrang saykolohikal.  Ayaw itong paniwalaan dahil hindi maintindihan dahil sa kakulangan ng kaalaman sa naturang disiplina.  Di rin ito pinag-uusapan dahil kadiri at walang ibedensyang magpapatunay nito na mapanghahawakan kaya minabuti na lamang itong ibaon sa mangilan-ngilang libro tulad ng kay Ellmann.

Reperensya:

Ellmann, Maud  (1994). “Psychoanalytic Literary Criticism” by Longman Publishing, New York

Gaerlan, Josefina Et al., (1994). “General Psychology 4th Edition” by Ken Incorporated, Q.C.

Soliven, Aida G. Et al., (1995). “Panimulang Sikolohiya” ng College of Liberal Arts, Centro

                                    Escolar University , Manila Philippines

www.wikipedia.com//analytical psychology#psychoanalysis

KAPANANAMPALATAYA: Gusto kong Maging Fictionista  (Reaksyong papel sa “Faith in Fakes: Travels in Hyperreality” ni Umberto Eco)

ni: Galcoso C. Alburo 

Matindi! As in hyper talaga! Nakakalula isipin na napakaraming tanyag at mayayamang bansa tulad ng Amerika, Japan, Italya, Roma, Germany at iba pang mga bansa sa Europa ang nalululong sa mga bagay na peke. Hindi ko na siguro kailangang idetalye pa ang mga kinahuhumalingang peke ng mga bansang ito dahil sobra-sobra na nga ang mga ipinakita ni Umberto Eco sa kanyang libro. Maliwanag na kanyang idinitalye ang kapekeang ito at makikita mula sa aspeto ng arte, sa mga museum, sa relihiyon, sa ekonomiya, sa arkitektura, sa kapaligiran o kalikasan at iba pang aspeto ng kanilang buhay na pawang tumatangkilik at umiidolo sa peke. Hindi nalalayo ang Pilipinas sa mga binanggit ni Eco sa kanyang libro. Sa tingin ko nga may kakaibang ambag ang Pilipinas sa mundo ng kapekean—ang pagkakaroon ng pekeng pangulo! Biro mo nga naman, pangulong peke na nakaluklok at patuloy na namemeke. Hindi ba ito pwedeng maitala sa “Guinness book of world record”? Kapag nagkataon, dakilang ambag ito ng Pinas bilang kapananampalataya sa mga peke. Sumasang-ayon ako kay Eco na napakataas na talaga ng antas ng paniniwala at pagtangkilik ng mga tao sa pekeng bagay. Tiyak may iba’t ibang rason dito kung bakit ito tinatangkilik. Sa Pilipinas, madalas ang rason ay ekonomikal at madaling hanapin. Ganun lang kababaw, kung may malalim man, ilan lang yun at ayokong pakialaman dahil medyo mailap. Samantala sa libro ni Eco ay binabanggit ang mga dahilang ito. “…for historical information to be absorbed, it has to assume the aspect of a reincarnation. To speak of things that one wants to connote as real; these things must seem real. The “completely real” becomes identified with the “completely fake”. Nangangahulugan lamang na malaking tulong ang pagpeke upang lalong mainternalisa ng isang indibidwal ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa historya kaya makikita natin sa mga museum ang mga bagay na duplikado o hindi na orihinal sa kapakanan ng paghahayag ng tunay na mensahe ng isang instansya. “. . . the American imagination demands the real thing and, to attain it, must fabricate the absolute fake; where the boundaries between game and illusion are blurred, the art museum is contaminated by the freak show, and falsehood is enjoyed in a situation of “fullness”. “…what really counts is not the authenticity of a piece but the amazing information it conveys.” May katuwiran nga naman, ano kung peke kung nakapagbibigay naman ito ng substanya sa mga kaalaman na kailangan ng tao. Hindi mahalaga ang orihinal sa ganitong konteksto. Naalala ko tuloy, kung totoo man na nagbunsod ang “Noli mi tangere at El filibusterismo” ni Rizal sa pagaklas ng bayan, hindi ang orihinal ang kanilang binasa kundi ang duplikado nito, kung ganun yung peke ang naghatid ng “amazing” na impormasyon. Binabangit din sa aklat ni Eco ang tungkol sa “Palace philosophy” na sinasabing, “the palace’s philosophy is not “We are giving you the reproduction so that you will want the original”, but rather “We are giving you the reproduction so you will no longer feel any need for the original”. Totoo ang dalawang ito sa konteksto ng pag-iisip ng mga Pilipino pero hindi natin matitiyak kung alin talaga ang dominante sa dalawang ito. Siguro kailangang may mag-aral para dito. “How can a rich man, a lover of arts, recall the emotions he felt one day in Herculareum or in Versailles? And how can he help his compatriots understand what Europe is?” Ang tanong na ito ay nagpapakita rin ng implikasyon ng paggamit ng isang bagay na peke para makatulong na maalala ng isang tao ang pakiramdam sa loob ng herculareum at kung papaano niya makukumbinse ang kanyang kapwa para unawain ang isang kalagayan tulad ng sa Europa. Ilan lamang ito sa mga eksplenasyon kung paanong iniaangat ang pananampalatay sa mga bagay na peke sa pagsulong ng panahon. Kumuha tayo ng halimbawa sa binanggit ni Eco sa kanyang libro lalo na sa mga pekeng siyudad tulad ng Disneyland sa California, Disneyland sa florida, sa hongkong, sa japan at iba pang dako ng mundo na kinaroroonan nito na kung saan ang mga ito ang pinakaobvious na halimbawa ng pekeng siyudad. Sa Disneyland ay naghahalo ang realidad sa pagbebenta at fiction sa palaruan. Dito ipinakikita na ang fiction ay bihikulo para sa komersyalismo na kung saan magkasabay na ipinakikita ang fanatismo at katotohanan. Dito lamang ang Disneyland sa ibang tindahan ng mga laruan. Kung tutuusin mas malala ang kapekeang dulot ng Disneyland kaysa sa mga museum na binanggit ni Eco. Bakit? Dahil sa Disneyland, sinakop nito pati ang komersyo. Maging ang kagustuhan at hilig ng tao sa pamimili ay napeke na ng Disneyland. Hindi lang palabas nila ang namemeke at nagbibigay ng mga di magandang epekto sa mga manonood kung tutuusin tulad ng Cinderella, snow white and the 7 dwarfs, little mermaid, Alladin at iba pa (Giroux 1995). Lahat ng mga ito ay pumapaloob sa layuning kumita at magpakita ng peke. Sa madaling salita naimpluwensyahan nito hindi lamang ang kaisipan at pagkatao ng mga bata kundi maging ang ideolohiya o paniniwala ng mga mamimili. Sabi nga sa libro ni Eco, “Once the “total fake” is admitted, in order to be enjoyed it must be seem totally real.” Nais lang din ipakita sa lahat na sa pamamagitan ng disneyland ay kayang ibigay ng teknolohiya ang realidad kung ikukumpara sa naibibigay ng kalikasan. Sa kalikasan kasi may mga limitasyon tulad halimbawa ng isang mapanganib na pating, hindi ito maaaring makipaglaro sa mga bata o ang isang buwaya para makisama sa mga tao pero sa konteksto ng Disneyland ay maaari nila itong gawin. Kung baga ang Disneyland ay nagiging outlet ng mga bagay na gustong mangyari ng tao mula sa kanilang mga panaginip na imposibleng mangyari. Bunga nito ay tinitingala ngayon ng publiko ang mga kamangha-mangha at perpektong pagkakalikha na peke kung kaya sinasamantala ito ng Disneyland na lumikha ng mga ilusyon para kunin ang atensyon, at kalooban ng publiko. Sa tingin ko ang mga pekeng ito sa ilalim ng hyperrealismo ay bahagi sa postmodernismong pagiisip ng tao na kung saan ang lahat ay nagrereconstruct o kanya-kanyang likha at ang idea ng hyperrealismo ay siyang naging gabay sa pagbuo o pagreconstruct ng mga bagay-bagay maging sa kalikasan o kapaligiran man. At ang gumagalaw dito ay walang iba kundi ang tao na sinasabing rasyunal na nilalang at maaring bahagi para sa kanya ang pagbuo ng mga peke at pagpapahalaga sa mga ito. Kung magkagayun totoo ang sinasabi sa ni Eco na “The pleasure of imitation as the ancient knew, is one of the most innate in human spirit.” Dahil walang ibang pinakamatinding tagapagpeke ng kalikasan kundi ang tao. Sa konteksto ng Pilipinas sa mga pekeng ito ay talamak na talamak din at di mo na kailangang lumayo pa o pumunta sa mga museum at enchanted kingdom at mga karnabal. Tingnan mo na lang sa iyong mga kinakain. Nariyan ang food color, food seasoning, iba-ibang cubes, instant noodles, powder juice, sinigang mix at kung anu-ano pa, lahat ng ito ay peke. Ginaya lamang ang mga lasang ito sa mga orihinal. Sa mga kasangkapan, hindi na mabilang ang napakaraming pekeng kagamitan. Manood ka lang ng tv nahitik sa komersyal na pawing nanggogoyo lamang sa mga mamimili. Sa puntong ito ay nagagamit tuloy ang sikolohiyang Pilipino sa maling intensyon at paraan. Sa mga palabas naman, akala natin ay makatotohanan, yun pala ay hindi naman, tulad ng mga fighting scenes, mga usok, mga kagamitan, tunog at iba pa ay pawing walang katotohanan na mukhang totoo lamang. Napanood ko nga minsan ang paglabas ng isang housemate sa bahay ni kuya na si Maricris. Sinabi niya na nung pumasok siya sa bahay ni kuya ay kinundisyon niya ang sarili na ito ay laro lamang ngunit nang lumabas na siya ay naramdaman na lamang niya na nahulog na pala ang loob niya sa sinasabi niyang laro. Involve na ang damdamin niya at natuklasan niya na hindi lamang siya basta naglalaro kundi pati pagkatao niya ay nakaladkad na. Ewan ko kung aware ang mga housemate na sila mismo ay pinaglalaruan na at pinagkakakitaan pa ng isang pekeng wala naman talaga sa totoong buhay pero may eksistensya. Hindi kataka-taka kung bakit maraming fiction na programa, akda, palabas, manunulat at iba pa ang sumisikat na kung tutuusin fiction (naniniwala ako na kahit isang bagay o pangyayari ang hindi totoo o binago man ay nagiging fiction na) naman ang kanilang gawa at hindi buong katotohanan ang ipinakikita, dahil nga sa sinasamba na ito ng mga tao at lulong na sa peke at ito na ang reyalidad ng mundo sa ngayon. Hindi rin ako magtataka kung bakit maraming mga sikat na fictionista ang tinatangkilik ng marami sa akademiya at iba pang mga artist at intelektwal maging ng mga hurado sa mga contest na sinalihan niya dahil lahat sila ay tumitingala at sumasamba sa peke, sa madaling sabi ay magkakapananampalataya sila. Naisip ko tuloy reasonable din naman ang pagiging fictionista kaysa non-fictionist dahil ang fictionista ay pasok sa astetiko ng tao hindi lamang sa lipunang Pilipino kundi sa buong uniberso— ang manampalataya at umidolo sa mga peke. Reperensya: Eco, Umberto. 1998. “Faith in Fakes: Travels in Hyperreality”. Giroux, Henry A. 1995. “Are Disney Movies Bad for your Kids?” Orange Coast Magazine June 1995, pp 59,61-64,66,68-69 Maricris of “Pinoy Big Brother” ABS-CBN during force eviction.(May 2007) ng papel sa “Faith in Fakes: Travels in Hyperreality” ni Umberto Eco) Ipinasa ni: Galcoso C. Alburo Ipinasa kay: Prop. Jun Cruz Reyes (MPs225) Mayo 5, 2007 Matindi! As in hyper talaga! Nakakalula isipin na napakaraming tanyag at mayayamang bansa tulad ng Amerika, Japan, Italya, Roma, Germany at iba pang mga bansa sa Europa ang nalululong sa mga bagay na peke. Hindi ko na siguro kailangang idetalye pa ang mga kinahuhumalingang peke ng mga bansang ito dahil sobra-sobra na nga ang mga ipinakita ni Umberto Eco sa kanyang libro. Maliwanag na kanyang idinitalye ang kapekeang ito at makikita mula sa aspeto ng arte, sa mga museum, sa relihiyon, sa ekonomiya, sa arkitektura, sa kapaligiran o kalikasan at iba pang aspeto ng kanilang buhay na pawang tumatangkilik at umiidolo sa peke. Hindi nalalayo ang Pilipinas sa mga binanggit ni Eco sa kanyang libro. Sa tingin ko nga may kakaibang ambag ang Pilipinas sa mundo ng kapekean—ang pagkakaroon ng pekeng pangulo! Biro mo nga naman, pangulong peke na nakaluklok at patuloy na namemeke. Hindi ba ito pwedeng maitala sa “Guinness book of world record”? Kapag nagkataon, dakilang ambag ito ng Pinas bilang kapananampalataya sa mga peke. Sumasang-ayon ako kay Eco na napakataas na talaga ng antas ng paniniwala at pagtangkilik ng mga tao sa pekeng bagay. Tiyak may iba’t ibang rason dito kung bakit ito tinatangkilik. Sa Pilipinas, madalas ang rason ay ekonomikal at madaling hanapin. Ganun lang kababaw, kung may malalim man, ilan lang yun at ayokong pakialaman dahil medyo mailap. Samantala sa libro ni Eco ay binabanggit ang mga dahilang ito. “…for historical information to be absorbed, it has to assume the aspect of a reincarnation. To speak of things that one wants to connote as real; these things must seem real. The “completely real” becomes identified with the “completely fake”. Nangangahulugan lamang na malaking tulong ang pagpeke upang lalong mainternalisa ng isang indibidwal ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa historya kaya makikita natin sa mga museum ang mga bagay na duplikado o hindi na orihinal sa kapakanan ng paghahayag ng tunay na mensahe ng isang instansya. “. . . the American imagination demands the real thing and, to attain it, must fabricate the absolute fake; where the boundaries between game and illusion are blurred, the art museum is contaminated by the freak show, and falsehood is enjoyed in a situation of “fullness”. “…what really counts is not the authenticity of a piece but the amazing information it conveys.” May katuwiran nga naman, ano kung peke kung nakapagbibigay naman ito ng substanya sa mga kaalaman na kailangan ng tao. Hindi mahalaga ang orihinal sa ganitong konteksto. Naalala ko tuloy, kung totoo man na nagbunsod ang “Noli mi tangere at El filibusterismo” ni Rizal sa pagaklas ng bayan, hindi ang orihinal ang kanilang binasa kundi ang duplikado nito, kung ganun yung peke ang naghatid ng “amazing” na impormasyon. Binabangit din sa aklat ni Eco ang tungkol sa “Palace philosophy” na sinasabing, “the palace’s philosophy is not “We are giving you the reproduction so that you will want the original”, but rather “We are giving you the reproduction so you will no longer feel any need for the original”. Totoo ang dalawang ito sa konteksto ng pag-iisip ng mga Pilipino pero hindi natin matitiyak kung alin talaga ang dominante sa dalawang ito. Siguro kailangang may mag-aral para dito. “How can a rich man, a lover of arts, recall the emotions he felt one day in Herculareum or in Versailles? And how can he help his compatriots understand what Europe is?” Ang tanong na ito ay nagpapakita rin ng implikasyon ng paggamit ng isang bagay na peke para makatulong na maalala ng isang tao ang pakiramdam sa loob ng herculareum at kung papaano niya makukumbinse ang kanyang kapwa para unawain ang isang kalagayan tulad ng sa Europa. Ilan lamang ito sa mga eksplenasyon kung paanong iniaangat ang pananampalatay sa mga bagay na peke sa pagsulong ng panahon. Kumuha tayo ng halimbawa sa binanggit ni Eco sa kanyang libro lalo na sa mga pekeng siyudad tulad ng Disneyland sa California, Disneyland sa florida, sa hongkong, sa japan at iba pang dako ng mundo na kinaroroonan nito na kung saan ang mga ito ang pinakaobvious na halimbawa ng pekeng siyudad. Sa Disneyland ay naghahalo ang realidad sa pagbebenta at fiction sa palaruan. Dito ipinakikita na ang fiction ay bihikulo para sa komersyalismo na kung saan magkasabay na ipinakikita ang fanatismo at katotohanan. Dito lamang ang Disneyland sa ibang tindahan ng mga laruan. Kung tutuusin mas malala ang kapekeang dulot ng Disneyland kaysa sa mga museum na binanggit ni Eco. Bakit? Dahil sa Disneyland, sinakop nito pati ang komersyo. Maging ang kagustuhan at hilig ng tao sa pamimili ay napeke na ng Disneyland. Hindi lang palabas nila ang namemeke at nagbibigay ng mga di magandang epekto sa mga manonood kung tutuusin tulad ng Cinderella, snow white and the 7 dwarfs, little mermaid, Alladin at iba pa (Giroux 1995). Lahat ng mga ito ay pumapaloob sa layuning kumita at magpakita ng peke. Sa madaling salita naimpluwensyahan nito hindi lamang ang kaisipan at pagkatao ng mga bata kundi maging ang ideolohiya o paniniwala ng mga mamimili. Sabi nga sa libro ni Eco, “Once the “total fake” is admitted, in order to be enjoyed it must be seem totally real.” Nais lang din ipakita sa lahat na sa pamamagitan ng disneyland ay kayang ibigay ng teknolohiya ang realidad kung ikukumpara sa naibibigay ng kalikasan. Sa kalikasan kasi may mga limitasyon tulad halimbawa ng isang mapanganib na pating, hindi ito maaaring makipaglaro sa mga bata o ang isang buwaya para makisama sa mga tao pero sa konteksto ng Disneyland ay maaari nila itong gawin. Kung baga ang Disneyland ay nagiging outlet ng mga bagay na gustong mangyari ng tao mula sa kanilang mga panaginip na imposibleng mangyari. Bunga nito ay tinitingala ngayon ng publiko ang mga kamangha-mangha at perpektong pagkakalikha na peke kung kaya sinasamantala ito ng Disneyland na lumikha ng mga ilusyon para kunin ang atensyon, at kalooban ng publiko. Sa tingin ko ang mga pekeng ito sa ilalim ng hyperrealismo ay bahagi sa postmodernismong pagiisip ng tao na kung saan ang lahat ay nagrereconstruct o kanya-kanyang likha at ang idea ng hyperrealismo ay siyang naging gabay sa pagbuo o pagreconstruct ng mga bagay-bagay maging sa kalikasan o kapaligiran man. At ang gumagalaw dito ay walang iba kundi ang tao na sinasabing rasyunal na nilalang at maaring bahagi para sa kanya ang pagbuo ng mga peke at pagpapahalaga sa mga ito. Kung magkagayun totoo ang sinasabi sa ni Eco na “The pleasure of imitation as the ancient knew, is one of the most innate in human spirit.” Dahil walang ibang pinakamatinding tagapagpeke ng kalikasan kundi ang tao. Sa konteksto ng Pilipinas sa mga pekeng ito ay talamak na talamak din at di mo na kailangang lumayo pa o pumunta sa mga museum at enchanted kingdom at mga karnabal. Tingnan mo na lang sa iyong mga kinakain. Nariyan ang food color, food seasoning, iba-ibang cubes, instant noodles, powder juice, sinigang mix at kung anu-ano pa, lahat ng ito ay peke. Ginaya lamang ang mga lasang ito sa mga orihinal. Sa mga kasangkapan, hindi na mabilang ang napakaraming pekeng kagamitan. Manood ka lang ng tv nahitik sa komersyal na pawing nanggogoyo lamang sa mga mamimili. Sa puntong ito ay nagagamit tuloy ang sikolohiyang Pilipino sa maling intensyon at paraan. Sa mga palabas naman, akala natin ay makatotohanan, yun pala ay hindi naman, tulad ng mga fighting scenes, mga usok, mga kagamitan, tunog at iba pa ay pawing walang katotohanan na mukhang totoo lamang. Napanood ko nga minsan ang paglabas ng isang housemate sa bahay ni kuya na si Maricris. Sinabi niya na nung pumasok siya sa bahay ni kuya ay kinundisyon niya ang sarili na ito ay laro lamang ngunit nang lumabas na siya ay naramdaman na lamang niya na nahulog na pala ang loob niya sa sinasabi niyang laro. Involve na ang damdamin niya at natuklasan niya na hindi lamang siya basta naglalaro kundi pati pagkatao niya ay nakaladkad na. Ewan ko kung aware ang mga housemate na sila mismo ay pinaglalaruan na at pinagkakakitaan pa ng isang pekeng wala naman talaga sa totoong buhay pero may eksistensya. Hindi kataka-taka kung bakit maraming fiction na programa, akda, palabas, manunulat at iba pa ang sumisikat na kung tutuusin fiction (naniniwala ako na kahit isang bagay o pangyayari ang hindi totoo o binago man ay nagiging fiction na) naman ang kanilang gawa at hindi buong katotohanan ang ipinakikita, dahil nga sa sinasamba na ito ng mga tao at lulong na sa peke at ito na ang reyalidad ng mundo sa ngayon. Hindi rin ako magtataka kung bakit maraming mga sikat na fictionista ang tinatangkilik ng marami sa akademiya at iba pang mga artist at intelektwal maging ng mga hurado sa mga contest na sinalihan niya dahil lahat sila ay tumitingala at sumasamba sa peke, sa madaling sabi ay magkakapananampalataya sila. Naisip ko tuloy reasonable din naman ang pagiging fictionista kaysa non-fictionist dahil ang fictionista ay pasok sa astetiko ng tao hindi lamang sa lipunang Pilipino kundi sa buong uniberso— ang manampalataya at umidolo sa mga peke.

Reperensya:

 Eco, Umberto. 1998. “Faith in Fakes: Travels in Hyperreality”. Giroux, Henry A. 1995.

“Are Disney Movies Bad for your Kids?” Orange Coast Magazine June 1995, pp 59,61-64,66,68-69

Maricris of “Pinoy Big Brother” ABS-CBN during force eviction.(May 2007)

 “KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PATAKARANG PANGWIKA NG PAMPUBLIKONG INTEGRADONG PAARALAN: KASO NG UPIS SA LUNGSOD NG QUEZON AT CIS SA LUNGSOD NG MARIKINA”

 NI: GALCOSO C. ALBURO

PANIMULA

            Sa pagpaplanong pangwika, maiging tingnan muna ang aspeto o lebel na micro bago magtungo sa lebel na macro o malawakang sakop upang higit na maunawaan ang mga bagay-bagay tungo sa mas matagumpay na pagpapalanong pangwika sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.

            Sa papel na ito ay pagtutuunan ng pansin ang pagkukumpara ng mga patakarang pangwika sa pampublikong integradong paaralan sa bansa na nakatuon sa kaso ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa Diliman lungsod ng Quezon bilang primyer na integradong pampublikong paaralan sa bansa at sa kaso ng Concepcion Integrated School (CIS) sa lungsod ng Marikina na siyang nag-iisang integrated school sa lungsod at isa lamang sa mangilan-ngilang integradong pampublikong paaralan sa bansa.

            Layunin ng pag-aaral na ito namaikumpara ang mga patakarang pangwika ng bawat paaralan mula sa preparatory hanggang sa high school upang makita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba sa patakarang pangwika sa edukasyon at maging ang mga implementsyon nito sa kabila ng pareho itong pampublikong integradong paaralan at sumasailalim ng kapangyarihan ng gobyerno sa pangunguna ng Departamento ng Edukasyon.

            Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing salamin ng reyalidad ng mga patakarang pangwika  at pagpapatupad ng mga patakarang ito sa pampublikong sistema ng edukasyon, at maaaring maging gabay tungo sa mas malawak  na pag-aaral kaugnay sa pagpapalakas ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa lungsod ng Marikina at maging sa kabuuang sistema ng edukasyon sa bansa at higit sa lahat maaaring tingnan sa paglutas ng mga suliraning pangwika mula sa lebel na micro tungo sa lebel na makro sa usaping pagpaplanong pangwika.

ANG CIS AT PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON

Napakabata pa kung tutuusin ng paaralang Concepcion Integrated School dahil ito ay naitatag lamang noong 2002 kung ikukumpara sa ibang pangunahing paaralan sa lungsod ng Marikina. Ang CIS ay naitatag noong 2002 mula sa pagiging concepcion extension ng Marikina High school at ilang mga seksyon sa elementarya ng Tanong na kung saan nagsama sa iisang kampus na dating inuukupa ng Marikina high school dahil na rin sa kakaulangan ng mga silid-aralan at di kalaunan ito ay naging integrated school sa pangunguna ng principal na si Rubi A. Parungao. Matatagpuan ang CIS sa J.P. Rizal St., Concepcion I, Marikina City.(history, mission at vision, school organization, location at accomplishements). Sa kabila ng kabaguhan ng paaralang ito, hindi ito naging hadlang na tuparin ang lahat ng alituntuning ipinatutupad ng pamahalaang lungsod lalo na ng departamento ng edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng DepEd, dibisyon ng Marikina tulad ng Education For All (EFA), Basic Education and Sector Reform Agenda (BESRA) at mga katulad nito.  Tinutupad din ng CIS ang kurikulum na ipinatutupad ng ahensya na walang iba kundi ang Revised Basic Education Curiculum na naging basehan ng mga sabjek na itinuturo dito sa kabila ng pagiging integrated school nito na walang tiyak na sistema na paiiralin kundi ang sundin ang kurikulum na itinalaga ng Deped sa pangkalahatang pampublikong paaralan sa sekondarya.  Kaakibat ng pagpapatupad ng kurikulum na ito ay ang pagsunod sa itinakdang medium na gagamitin sa pagtuturo sa loob ng paaralan sa bawat asignaturang nakapaloob sa RBEC.  Naniniwala ang pamunuan ng CIS sa pangunguna ni Gng. Janet S. Amurao na kailangang magkaroon ng tiyak na sistema sa pamamahala ng isang integrated school ngunit hindi pa ito napapanahon at nangangailangan pa ito ng masusing pag-aaral at maging ang polisiya sa wika na gagamitin dito. Sa ngayon ay sapat na sa pamunuan ng CISSL na sundin ang regular na kurikulum, ang RBEC at kung ano ang itinadhanang polisiya sa wika sa regular na sekondaryang paaralan sa bansa sa ilalim ng pamamahala ng DepEd. Isinasagawa dito ng mga guro at ng pamunuan ang implementasyon sa wika at kurikulum sa mga sumusunod na asignatura: Ingles, Filipino, Science, Math, at Makabayan na mga core subjects. Samantalang sa makabayan ay nakapaloob ang mga sumusunod: Araling panlipinan, Technology and Livelihood Education, Music, Art, Physical Education and Health at Values Education.

Bilang isang pampublikong institusyon ng edukasyon, hindi makikita sa CISSL ang kakumpletuhan ng mga pasilidad, kakulangan sa bilang ng mga silid-aralan at mga libro kakulangan ng mga laboratoryo, aklatan at iba pa mula noong 2002 hanggang 2006 subalit sa pagpasok ng taong 2007 ay unti-unti na itong magdevelop sa pamumuno pa rin ni Gng. Janet S. Amurao sa pamamagitan ng kanyang pagiging mapamaraan at principal LED program ng DepEd).

At sa kabila ng pagiging bata ng institusyon ng CIS, hindi ito naging hadlang upang sila’y magtamasa ng isang maayos at dekalidad na edukasyon. Masasalamin ito sa resulta ng kanilang mga eksamin (NAT, NCAE at iba pa) at mga larangang nilahukan tulad ng talumpatian, masining na pagbasa, pamamahayag o journalism, Scidama, MTAP at iba pang mga patimpalak at isa sa susi ng kanilang tagumpay ay ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang pagtuturo bagamat malinaw ang derektiba ng pamahalaan na Ingles ang gagamiting wika sa sistema ng edukasyon base sa ipinalabas ni DepEd Seretary Edelberto De Jesus na Deped memorandum bilang 189 serye ng taong 2003 na pinamagatang “Establishing the policy to strengthen the use of the English language as a medium of instruction in the Education system” na kung saan ito’y malinaw na pag-alinsunod sa atas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na Executive order no. 210 na nilinaw ang mga polisiyang ito sa paggamit ng wikang Ingles sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.

  1. a.      English shall be taught as a second language, starting with the first grade.
  2. b.      As provided for the 2002 Basic Education Curriculum, English shall be used as the medium of instruction for English, Mathematics and Science from at least the Grade level.
  3. c.       The English language shall be used as the primary medium of instruction in all public and private institutions of learning in the secondary level, including those established as laboratory and/or experimental schools, and non-formal and vocational or technical educational institutions.  As the primary medium of instruction, the percentage of time allotment for learning areas conducted in the English language is ecpected to be not less than seventy percent (70%) of the total time allotment for all learning areas in the secondary level. (Section I ng Executive Order No. 210).

 

At papaano naman ang kaso ng paggamit ng wikang Filipino? Ayon pa rin sa E.O 210, seksyon 8, “. . . the Filipino language shall continue to be the medium of instruction in the learning areas of Filipino and Araling Panlipunan.”  Base naman sa ipinalabas ni Deped Sec. Jesli Lapuz na implementing rules and regulation ng E.O, 210 noong Agosto 22, 2006, lumalabas na 600 (30%) minuto lamang ang kabuuang oras na magagamit ang wikang Filipino sa mga asignaturang Filipino, Araling Panlipunan at Edukasyong pagpapahalaga sa una at ikalawang taon samantalang sa paggamit ng wikang Ingles ay umabot sa kabuuang bilang na 1,440(70%) minuto sa una, ikalawa at ikatlong taon. Samantala sa ikatlong taon ay tataas sa 660 (30% pa rin) ang kabuuang bilang ng minuto sa paggamit ng wikang Filipino at mananatiling 1,440 (70%) minuto ang sa wikang Ingles. Sa ikaapat na taon naman ay nanatiling 660 minuto ang paggamit ng wikang Filipino at ang paggamit ng wikang Ingles ay umabot sa 1,490 ang kabuuang minuto sa bawat lingo ng pag-aaral. Samakatuwid 30 % lamang ang paggamit ng wikang Filipino at 70 % naman ang paggamit ng wikang Ingles. Isinaad din sa leyenda ng nasabing implementing rules and regulation na ang paggamit ng wikang Filipino sa Edukasyong pagpapahalaga o Values Education ay hanggang sa taong panunuran 2008-2009 lamang na nangangahulugang magiging wikang Ingles din ang magiging medyun ng pagtuturo nito. Nagpapakita lamang ito ng tahasang pagkiling sa paggamit ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon.

Noong Agosto 27, 2008 ay muling naglabas ng Deped order bilang 60 serye ng 2008 bilang isang addendum sa nakaraang
Deped order bilang 36 serye ng taong 2006 na nagsasabing mananatili ang time allotment ng mga asignaturang paggagamitan ng wikang Ingles at Filipino at binigyang diin dito na mananatiling wikang Ingles at Filipino ang mga medium na wika ng instuksyon sa edukasyon bilang pag-alinsunod sa Bilingwal na polisiya sa edukasyon at ang mga lokal na wika ay maaasing gamitin bilang auxiliary at pantulong na wika sa pormal na edukasyon at alternatibong edukasyon sa bansa.  Kinilala na sa addendum na ito na ang wikang gamay/lokal at kinagisnan ng mga mag-aaral ang siyang pinakamabisa at pinakaepektibong medium sa pagtuturo mula sa unang baitang tungo sa pagtamo ng pinakamataas na antas ng kognisyon at mabilis na pagtamo ng basikong literasiya Samakatuwid isa na rin itong magandang balita sa mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino ganun din muling kinilala ang bilingual na polisiya ngunit and Deped Order na ito ay tila hindi pa batid ng ng mga nakararaming guro at mga namumuno sa paaralan dahil hindi ito lubusang naipalam dahil nakalagay lamang sa website ng Deped at kung nagbaba man ng memorandum sa bawat dibisyon at bawat paaral ay hindi ito gaanong pinagtuunan ng pansin.  Idagdag pa dito ang kampanya ng Mayora ng lungsod ng Marikina na si Maria Lourdes Fernando hinggil sa pagpapalakas ng wikang Ingles sa lungsod sa pamamagitan ng programang “SPEAK ENGLISH” upang umano ay makaagapay ang mga mamamayan ng Marikina lalo na ang mga estudyante sa globalisasyon.  Magkagayun pa man ang mga polisiyang ito ng Deped at pamahalaang lungsod ng Marikina ay hindi tahasang nasusunod dahil ang makapangyarihan pa rin sa loob ng silid-aralan ay ang mga guro at mag-aaral para magdesisyon kung anong wika ang kanilang gamitin sa kanilang mga talakayan. Ang isang pahayag na hindi na masabi pa sa wikang  Ingles ay nauuwi ito sa paggamit ng wikang Filipino at totoo ito sa kaso ng CIS sa kabila ng derektiba na ingles ang medium ng pagtuturo.

Sa kabuuan, ang CIS ay isa lamang salamin na pwedeng tingnan sa kung anong sistema ng edukasyon meron tayo sa bansang Pilipinas. Tumutupad ito sa sistema at kurikulum na pinaiiral ngunit tumataliwas sa aplikasyon ng patakaran sa wika na ginagamit sa klase dahil umiiral pa rin ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng klase ng asignatura bilang pantulong sa ganap na pag-unawa sa mga leksyon at mapapatunayan ito sa totoong nagaganap sa loob ng mga klase sa Ingles, Math, Science, Computer, TLE, MAPEH at iba pa ayon na rin sa mga sagot ng mga mag-aaral sa pilot section ng ikaapat na taon sa aking isinagawang sarbey noong taong panunuran 2006-2007 hinggil sa gamit ng wika sa paghubog ng katalinuhan ng mga mag-aaral sa sekondarya.  Sa lebel naman ng preparatory at hanggang sa elementarya, batid ng lahat ang polisiyang ito sa wika na gagamitin sa lahat ng asignatura ngunit hindi ito tahasang nasusunod. Filipino pa rin ang gamit sa mga usapan, nag-iingles ng kaunti at pagkaraan ay Filipino uli depende sa tagapagsalita sa panig man ng guro at mag-aaral.  Dalawang wika ang umiiral na magkasabay sa mga talakayan na nauuwi sa TAGLISH kung pakasusuriin ang mga nasabing usapan.  Samakatuwid walang pangil o kapangyarihan ang mga pinairal na batas dahil kusang umiiral at nagiging makapangyarihan ang wikang ng pangangailan sa loob ng paaralan at hindi dito makaiwas ang mga guro at mag-aaral.  Kahit pa nga sa tuwing may programa sa CIS, kaunting Ingles lang, pasalit-salit at magfifilipino na ang mga guro at mga estudyante (maliban lang sa programa sa pagtatapos sa sekondarya dahil Ingles ang gamit dito). Ganun din sa mga meeting ng mga guro, kaunting Ingles at maya-maya ay Filipino na ang usapan o kaya ay taglish. Ang kawalang pangil ng batas sa pagpapatupad ng nasabing polisiya sa wika ng edukasyon ay isang napakalaking bentahe o pabor sa wikang Filipino.

Ang CIS ay bahagi lamang ng katotohanang umiiral na hindi maaaring balewalain sa pag-analisa ng katayuan ng edukasyon sa Pilipinas at sa punto ng kagalingan ng paggamit ng wika sa paghubog ng kanilang mga katalinuhan na maaaring ikonsidera bilang ibedensya sa pagbasura ng kautusang paggamit ng wikang Ingles bilang medium ng pagtuturo sa mga kabataang Pilipino mula sa kinder. Primarya at elementarya.

UPIS: ISANG GABAY AT SIMBULO NG IMPLEMENTASYON NG PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON

            Isa ang University of the Philippines Integrated School sa mga paaralang tinitingala at pinapangarap ng mga magulang na makapasok ang kanilang mga anak para makapag-aral dahil ito ang itinuturing na primyer na paaralang integrado sa bansa na nagtataguyod ng kagalingan at dekalidad na klase ng edukasyon. Taong 1916, walong taon matapos itong maitatag, ang Unibersidad ng Pilipinas ay nagdesisyon na kailangang bumuo ng laboratory high school na tatawaging UP high school para sa kolehiyo ng edukasyon at ito ay makikita noon sa Isaac Peralta St., sa Maynila.  Nang maistablisa ang kampus ng UP sa Diliman, Quezon city mga dakong huli ng dekada 40, ang kolehiyo ng edukasyon at UP high school ay nakatakda ring mailagay doon mga ilang panahon ang nakalipas at ang UP high ay inilagay sa ikatlong palapag ng kolehiyo ng edukasyon.  Dumating ang panahon na nagkaroon na rin ng sariling gusali ang UP high sa dako ng Katipunan road noong 1959 na kung saan sa kasalukuyan ang nasabing gusali ay ginagamit pa rin ng UPIS. Taong 1936, itinatag ng UP ang paaralang elementarya na nagsilbing primaryang paaralan ng mga anak ng empleyado ng unibersidad.  Kalaunan, ito ay naging laboratoryong  paaralan ng kolehiyo ng edukasyon nang buksan sa nasabing kolehiyo ang kursong BSEED noong 1961. Sa taong 1954, muling bumuo ang UP ng pangalawang high school na tinawag na Preparatory school na nakatuon sa siyensya at matematika at nagsilbi itong “feeder school” ng pamantasan na makikita sa Rizal hall sa Padre Faura, Manila.  Noong 1974, ang dalawang high school ng UP ay pinag-isa bilang isang university high school.  Samantala nabuo ang UPIS noong 1976 nang pagsamahin ang UP elem at UP high at simula noon ang nasabing paaralan ay naging integrado ang kurikulum mula sa kindergarten.

            Pilosopiya ng UPIS na ang sistemang pangedukasyon ay may responsibilidad na mag-ambag sa kagalingan ng pagtamo ng panlipunang layunin, magsilbing aktibong tagapagpatupad ng pagbabago sa lipunan at tagapaghatid ng unibersal at walang kamatayang pagpapahalaga tungo sa pagpapakatao.  At mula sa perspektibang ito ang University of the Philippines Integraed School ay nilinaw ang kanilang tungkulin na maging isang laboratoryong paaaralan ng kolehiyo ng edukasyon, service school at feeder school ng unibersidad.

            Bilang laboratoryo ng kolehiyo ng edukasyon, ang UPIS ay nakatakdang tumulong sa pagbuo ng tama at makataong lipunan na magpahanggang ngayon ang UPIS ay nakahandang maghubog o mag-edukar ng mga mag-aaral na huhubog ng kanilang mga sariling kakayahan at magiging tagapagmalaki ng kanilang kultura at pambansang pagkakakilanlan.  Ito ang magsisilbing sentro ng kagalingan para sa basic teacher education, mga pagbabago, pananaliksik at pag-unlad.

            Layunin ng UPIS na matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng sandata sa kanilang pakikibaka sa buhay sa kanilang paghahanap ng mga kaalaman na makatutuwang sa pag-unlad ng bansa, magkaroon ng pagpapahalaga at pag-uugali na maging responsable at produktibong mamamayan, gumawa ng mga pagbabago sa basikong edukasyon sa pamamagitan ng pananaliksik at eksperimentasyon, at maging bahagi ng kolehiyo ng edukasyon sa paghubog ng mga mag-aaral tungo sa pagiging epektibo at magagaling na guro.

            Bilang isang primyer na integradong pampublikong paaralan sa bansa, ang UPIS ay may sariling kurikulum na sinusunod na kung saan ito ay may roong 11 taong iskima na inayos ayon sa pagkakasunod-sunod at integrasyon ng iba’t ibang asignatura mula kinder hanggang gado 10 na katumbas ng 4th year sa isang regular na pampublikong paaralan.  Sa pamamagitan ng kurikulum na ito, naihahanda ng UPIS ang kanilang mga mag-aaral sa pagpasok sa unibersidad bagamat may kalayaan pa rin silang mamili kung ano ang kanilang nais na kunin o tapusing kurso o maging trabho sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

            Simula sa pagpasok ng taong panunuran 2003-2004 na kung saan ito naman ang taon ng iplementasyon ng E.O 210, sinimulang ipatupad ng UPIS ang mga sumusunod na patakarang pangwika na inaprubahan ng UPIS faculty sa kanilang faculty meeting noong Marso 11, 2003.

  • Mula K hanggang grado 4, ang midyum na gagamitin sa pagtuturo ay FILIPINO sa lahat ng asignatura maliban sa CA English, Musika at Arte.
  • Mula grado 5 hanggang 10 (4th year), ang midyum na gagamitin ay FILIPINO sa lahat ng asignatura maliban sa CA English, Music at Arts, Science at Matematika.

Samakatuwid Filipino ang midyum na ginagamit ng UPIS sa pagtuturo ng CA Filipino, Araling panlipunan, Sining praktika, kalusugan at edukasyong pisikal.  Samantala ayon sa pag-aaral ni Resuma at Ocampo (2005), hindi umano malinaw na binaggit sa nirebisang patakarang pangwika ng UPIS ngunit ito ay nagsilbing “TAHIMIK NA KASUNDUAN”  ng mga guro ng UPIS na sa sandaling nahihirapang magpaliwanag tungkol sa leksyon ang guro at estudyante sa mga asignaturang Ingles at iba pa na wikang ingles ang panturo, ay papayagang laging magamit ang wikang Filipino bilang wikang pantulong o auxiliary langueage.

Samakatuwid, ang UPIS bagamat isang pampublikong integradong paaralan ay hindi ito sumusunod sa isang regular na kurikulum ng Deped at maging sa patakang pangwika nito ay mayroon silang sariling desisyon na pinaiiral kaugnay sa kanilang pilosopiya, misyon at bisyon bilang integradong paaralan.  Ang UPIS ay isang institusyong nagsisilbing modelo, gabay at simbulo ng matuwid at nararapat na patakarang pangwika sa sistema ng edukasyon at implementasyon nito tungo sa ikatututo ng mga mag-aaral gamit ng kanyang gamay na wika sa lebel na dapat nitong paggamitan.  Resulta nito, hindi matatawaran ang kalidad ng edukasyon ng UPIS kung ikukumpara sa ibang ekslusibong paaralan, at makikita ito sa maraming alumni na nagmula sa nasabing integradong paaralan.

UPIS AT CIS: KUMPARASYON NG KURIKULUM, POLISIYA SA WIKA, AT IMPLEMENTSYON

Integradong

Paaralan

kurikulum Polisiya sa Wika Implementasyon
UPIS (Lungsod ng Quezon) Sariling Integradong Kurikulum (11-taon iskima) *Mula Kinder hanggang grado 4, Filipino ang midyum na gamit sa pagtuturo maliban sa CA Englis at Musika at Arte.

*Mula grado 5 hanggang grado 10(4th year) sinusunod ang polisiyang bilinggwal, Ingles ang midyum sa pagtuturo ng CA English, Music and Art, Science and Mathematics. Filipino naman ang gamit sa CA Filipino, Araling Panlipunan, Sining Praktika, Kalusugan, at Edukasyong Pisikal.

*(Tahimik na kasunduan) Gagamitin ng guro at estudyante ang Filipino bilang pantulong o auxiliary language sa sandaling nahirapan sa pagtalakay sa mga asignaturang wikang Ingles ang ginagamit.

*Walang pwersa o kautusan mula sa pamahalaang panlungsod na nakaapekto sa polisiyang pangwika.

*Dibdiban ang pagpapatupad ng polisiyang pangwika mula una hanggang sa kanilang tahimik na kasunduan na may pantay na pagtingin sa paggamit ng dalawang wika, Filipino at Ingles sa mga asignaturang dapat paggamitan nito ayon sa napagkasunduan.
CIS (Lungsod ng Marikina) Revised Basic Education Curriculum (walang tiyak na integrasyon sa mga asignaturang pinag-aaralan mula preparatory hanggang ikaapat na taon) *Walang binanggit kung anong wika ang gagamitin sa preparatory level.

*Bilingwal na polisiya ang paiiralin (kiling sa wikang Ingles), ayon sa Deped Order bilang 36, serye 2006 at bilang 60, serye 2008

*Ang Wikang Ingles ang gagamitin sa pagtuturo mula grado 1 hanggang ikaapat na taon sa sekondarya maliban sa CA Filipino, Araling Panlipunan/Sibika at kultura at Edukasyong Pagpapahalaga (ang EP sa sekondarya ay gagamit lamang ng Filipino hanggang taong panunuran 2008-2009), ayon sa Deped Order bilang 189 serye 2003

*Ang lokal at gamay na wika ng mag-aaral ay kinilalang pinakamabisang midyum sa pag-aaral muna grado 1 ngunit hindi nilinaw kung hanggang kailang gagamitin ang lokal at gamay na wika (Ayon sa Deped Order bilang 60, serye 2008).

*May impluwensya ang deriktiba ng pamahalaang panlungsod sa papapalakas ng paggamit ng wikang Ingles

*Sa lebel preparatory ay kanya-kanya.

*Bagamat malinaw ang polisiya sa wika hindi ito tahasang nasusunod ng guro at mga mag-aaral sa loob ng klase.

*Medyo nakakalito ang mga plosiya sa wika dahil ito ay nagbabago-bago bunga marahil ng kawalang sapat na kaaalaman hinggil sa wika.

*Pinapahalagahan na ang gamit ng gamay at lokal na wika sa pagtuturo sa unang grado ngunit di malinaw kung hanggang kailan ito gagamitin at wala pa itong malinaw na implementasyon sa CIS.

*Hindi tahasang nasusunod ang “SpeakEnglish” na kampanya ng pamahalaang panlungsod dahil higit na makiling sa paggamit ng wikang Filipino ang mga guro at mag-aaral sa mga talakayan at usapan.

KONKLUSYON

            Ang UPIS at CIS ay kapwa mga pampublikong integradong paaralan sa bansa ngunit magkaiba ang sinusunod na kurikulum. Ang UPIS ay mayroong sariling integradong kurikulum na pinaiiral na may integrasyon mula sa kinder hanggang sa grado 10 samantang ang CIS ay sumusunod sa regular na kurikulum ng pampublikong paaralan, ang Revised Basic Education Curriculum. Sumusunod ang UPIS sa patakarang bilingwal na polisiya sa edukasyon at balanse ang oras na iniuukol sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino at hangganan ng gamit nito. Meron din silang “Tahimik na Kasunduan” na gamitin ang wikang Filipino sa sandaling mahirapan ang mga guro at mag-aaral sa pagtalakay sa mga araling Ingles ang wikang ginagamit.  Samantalang ang CIS bagamat malinaw ang polisiya sa kabila ng pabago-bago nito ay nanatiling nagagamit ang wikang Filipino sa mga talakayan lalo na ang TAGLISH maliban sa asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga at Sibika at Kultura. Filipino at taglish din ang umiiral maging sa mga miting ng mga guro at programa sa loob ng paaralan.  Sa karanasang ito ng CIS, totoo ang sinabi ni Bro.Andrew Gonsalez na hindi epektibo na daanin sa lehislasyon o batas ang hinggil sa mga patakaran sa wika dahil hindi naman ito nagiging mabisa o walang pangil, mas nakabubuti ang mag kanya-kanya dahil mas matindi ang implementasyon nito base na rin sa karanasan ng UPIS sa kanilang pagpapatupad ng kanilang polisiya sa wika.

REPERENSYA:

Constantino, Pamela C. (2005): Filipino at Pagpaplanong Pangwika (Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL), Inilathala ng Sentro

                                                 ng  Wikang Filipino-UP Diliman

Resuma, Vilma M at Ocampo, Anthony C. (2005), ALIPATO Journal of Basic Education, University of the Philippines Integrated

                  School, Katipunan Road Diliman, Q.C.

Department of Education, Deped Memorandum no. 189, series of 2003

Department of Education, Deped Order no. 36, series of 2006

Department of Education, Deped Order no. 60, series of 2008

Executive Order no. 210

http://en.wikipedia.org/wiki/university_of_the_Philippines_Integrated_School

http://www.upis.upd.edu.ph/

Kinapanayam:

Amurao, Janet S. (Punong-guro ng CIS sa kasalukuyan)

Patacsil, Cecil (Assisst to the Principal/Guidance Couselor CIS Elem. Level)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.